0

Umalma ang TV host-actor na si Billy Crawford sa pagkakadawit nito sa illegal drugs.

Isa ang pangalan ni Crawford sa mga napabilang sa kumalat na listahan ng mga celebrities na umano’y sangkot sa iligal na droga.



Binigyang-diin ng TV host na hindi siya gumagamit ng droga o nagbebenta nito.

Handa rin umano siyang sumailalim sa drug test anomang oras.


Mensahe pa nito sa mga kritiko na manahimik na lang ang mga ito kung hindi naman daw alam ang totoo.

Ayon kay Crawford, nang naaresto siya sa isang bar sa Taguig noon, isinailalim siya sa drug test pero negatibo ang resulta.

(Remate).

Post a Comment

 
Top