0

Dahil sa pagmamahal sa namatay na matalik na kaibigan, isang 23-anyos­ na binata ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa Pasay City kahapon ng umaga.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Bernard Ramirez, ng kanyang ina na si Felina, 40, na nakabigti ng nylon cord mismo sa loob ng ­kuwarto nito sa no.164 Gotamco St., Brgy. 16, Zone 1 ng natu­rang lungsod.



Sa pagsisiyasat ni SPO1 Giovanni Arcinue, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, base sa pahayag ng ina ng biktima, alas-7:30 kahapon ng umaga nang gigisi­ngin sana niya ang kanyang anak upang mag-igib ng tubig.

Subalit, tumambad sa kanya ang bangkay ng anak na nakabitin na ­nakapulupot sa leeg nito ang nylon cord at nakatali sa kisame ng silid nito.


Ayon sa ina ng biktima, bago naganap ang pagpapatiwakal ng kanyang anak, nagkaroon ito ng depression matapos umano nitong malaman na pinatay ang kanyang best friend na si Richard­ sa Makati City kamakailan.

Aniya, alas-12:30 kahapon ng madaling-araw ay huling nakitang buhay­ ang anak habang nakikipag-­usap sa ilang kaibigan sa harapan ng kanilang bahay at pinag-usapan ay ang best friend nitong si Richard na halos nalungkot umano ang ­binata sa sinapit ng kanyang kaibigan.

Simula noon ay hindi na makausap ang biktima­ at lagi itong nagkukulong sa kanyang kuwarto na dinamdam nito nang hust­o ang pagkawal­a ng kanyang kaibigan.

(Abante Tonite).

Post a Comment

 
Top