0

Ipinagsigawan ni actor Baron Geisler ang kanyang pag-negatibo sa drug test.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ito ng larawan kung saan kasama niya ang kanyang mga kaibigan na nagdala ng drug test kit.



Inilagay pa sa kanyang social media account ang larawan ng pagpapatunay na negatibo ang kanyang drug-test.


May caption pa itong nagpapatunay lamang na mali ang naging akusasyon sa kanya ng mga basher ganoon din ng mga awtoridad na gumagamit ito ng iligal na droga

(Remate).



Post a Comment

 
Top