0

“Ayoko naman siyang patulan kasi pangit siya.” Ito ang latest na pasaring ni Pangu­long  Rodrigo Du­terte kay Senador Leila de Lima.

Sa pagtatalumpati sa Police Regional Office 12 (PRO 12), Brgy. Tambler, General Santos City kahapon ng hapon, binanggit muli ni Pa­ngulong Duterte na noon pa mang si De Lima ang pinuno ng Commission on Human Rights (CHR) ay wala naman itong inirekomendang kaso laban sa kanya at puro pag-iingay lamang ang ginawa para siya ay siraan.



“De Lima, chairman ng Human Rights, Senador, wala namang fi-nile (inihaing kaso). Sige ang yaw-yaw sa akin, ayoko naman siyang patulan kasi pangit siya. Baka patulan ko sige mag-usap tayo Mayor, sabi ko saan Mam, ikaw kung saan mo gusto alam ko na noon pa.

Totoo alam ko, kaya sinabi ko De Lima I am listening to you, hindi niya nakuha. Akala siguro niya nagbibiro ako, hindi niya akalain…’ pag sinabi kong go hang yourself, ‘yun na ‘yun, dumaan na sa kamay ko pero hindi ako, hayaan ko sila (DOJ Secretary) Vit Aguirre,” paghahayag ni Duterte.

Nagsimula aniya ang pambubulabog ni De Lima dahil sa pulitika.


It started in politics, lahat ng namamatay d’yan pati nasagasaan kukunan ng picture padala ni (ex-House Speaker Prospero) Nograles doon kay De Lima. Magkaibigan naman sila pareho silang pangit,” sambit pa nito.

(Abante).



Loading...

Post a Comment

 
Top