0

Tinawag na "stupid" ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang pahayag ni Sen. Leila de Lima na government asset diumano ang convicted kidnapper na si Jaybee Sebastian.

Ayon kay Aguirre, kung totoo man na asset si Sebastian ay kabobohan ang ginawang paghihiwalay dito sa Bilibid 19 na inilipat naman sa NBI matapos magsagawa nang raid sina De Lima sa New Bilibid Prison noong 2014.



Kinuwestiyon tuloy ng kalihim ang rason kung bakit sa kabila nang pagiging umano'y asset ni Sebastian ay hindi ito isinama sa paglilipat ng ibang high-profile inmates.

Matatandaan na pinangunahan ni De Lima ang "Oplan Galugad" sa loob ng NBP kung saan nakakuha ang NBI ng mga baril, illegal drugs, pera, alahas at mga appliances sa loob ng national penitentiary.

Kasunod nito ay ang paglilipat naman ng 19 na high-profile inmates sa NBI upang pigilan ang mga ito sa pagpapatuloy ng kalakaran ng iligal na droga, pero hindi napasama dito si Sebastian.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top