0

Naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operations ng Quezon City Police District (QCPD)
ang dating sexy star noong 90s na si Sabrina M.

Si Sabrina M. na Karen Pallasigue ang pangalan ay nahuli sa operasyon na isinagawa kagabi sa bahagi ng Pasong Tamo, Quezon City.



Ayon kay QCPD Director Guillermo Eleazar, may dalawa pang kasama si Sabrina M. nang ito ay maaresto na kinilalang sina Ewin Martin at Edwin Coloma sa mismong bahay ng aktres sa Palasugui Street sa Barangay Pasong Tamo.

Narekober sa kanila ang tatlong plastic sachet ng shabu, disposable lighters at iba pang drug paraphernalia.

Ipinakita pa sa media ng QCPD ang umano ay video ni Sabrina M habang ito ay gumagamit ng shabu.

(Radyo Inquirer).


Loading...

Post a Comment

 
Top