0



Tinawag na “bakla” ni Pangulong Rodrigo Duterte si U.S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga sundalo sa Central Command (CentCom) sa Camp Lapu-Lapu sa Cebu, sinabi ni Duterte na naasar siya kay Goldberg dahil sa pagbibintang sa kanya bilang isang lefties.

“Naaasar ako sa bakla na yan…nakiki-alam sa eleksyon…kaya nagpunta sa akin si (John) Kerry para umareglo”, ayon kay Duterte.

Inamin din ni Duterte na nag-bigay sa kanya ang pamahalaan ng U.S ng $33 Million na gagamitin naman niya sa pambili ng dagdag na gamit para sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

Muling tiniyak ng pangulo na sa susunod na taon ay magiging doble na ang sweldo ng mga sundalo sa bansa.

(Radyo Inquirer)

Post a Comment

 
Top