0

Umiikot ang buhay ng isang tribu sa Africa sa kanilang mga alagang baka. Sa katunayan nga, ipinampapaligo ng mga miyembro ng tribu ang ihi ng kanilang mga baka tuwing umaga.

Ginagawa ng mga taga-Mundari tribe ng South Sudan ang paliligo ng ihi mula sa kanilang mga alagang baka sa paniniwalang maiiwasan nila ang mga sakit sa balat sa pamamagitan nito. Minamasahe rin nila ang mga baka at natutulog din sila kasama ang mga ito.

Sa sobrang pag-aalaga ng Mundari tribe sa kanilang mga baka ay pangkaraniwan na sa kanilang lugar ang mga bakang umaabot sa walong talampakan ang taas.

Lubos ang pagpapahalaga nila sa kanilang baka kaya naman nasusukat ang kayamanan at impluwensya ng isang tao sa Mundari tribe ayon sa dami at klase ng baka na kanyang pag-aari.

Kaya naman hindi na dapat nakakapagtakang binabantayan nila habang armado ng machine gun ang kanilang mga baka. Ito’y dahil magulo sa bahagi ng South Sudan kung saan namamalagi ang Mundari tribe kaya madalas ang nakawan ng baka sa kanilang lugar.

(Philstar)

Post a Comment

 
Top