0

Isang zoo keeper sa Mexico City ang suwerteng nakaligtas mula sa isang leopard matapos siyang ipagtanggol ng kanyang inaalagaang tigre sa isang zoo roon.

Nakikipaglaro ang zoo keeper na si Eduardo Serio sa isang grupo ng leon nang bigla na lang siyang sugurin ng isang leopard. Mabilis ang ginawang pag-atake ng leopard kaya wala pa ring kaalam-alam si Serio sa mga nangyayari.



Buti na lamang at bigla na lang sinugod ang leopard ng tigreng si Aztlan na nagkataong nagpapahinga malapit sa kinaroroonan ni Serio.

Nagbuno ang dalawang mababangis na pusa hanggang sa mapaamo ng tigre ang leopard na si Dharma. Noong una ay ayaw pang umalis sa lugar ng leopard ngunit lumayo na rin ito matapos batuk-batukan ng tigre.


Nakuha sa video ang lahat ng pangyayari kaya naman naging viral ito nang mai-upload sa Youtube.

Marami naman ang nagkomento sa video na hindi sila naniniwalang kusang iniligtas ng tigre si Serio. Masuwerte lang daw talaga ang zoo keeper na hindi siya nasaktan sa pangyayari sa kabila ng hindi niya pagiging alerto sa kanyang kapaligiran.

(Philstar).


Post a Comment

 
Top