0

Marami pang mga “imoralidad” ni Senador Leila De Lima ang mabubunyag sa gitna ng banat sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.



Sa panayam ng DWIZ, iginiit ng kilalang whistleblower na si Sandra Cam na hindi na dapat magmalinis pa si De Lima lalo’t batid naman ng lahat ng nasa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang relasyon niya sa kanyang driver na kolektor din umano ng drug money na ginamit niya sa kanyang senatorial campaign.


Hinamon din ni Cam si De Lima na itigil na ang drama dahil lantad na sa publiko ang pagiging notorious nitong scalawag sa gobyerno.

Samantala, tinukoy din ng whistleblower na ang driver ng senador na si Ronnie Dayan ang fixer umano ng mga transaksyon sa Department of Justice (DOJ) noong kalihim pa lamang ito ng naturang kagawaran.

(DWIZ).

Post a Comment

 
Top