0

Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte palitan ang pangalan ng Malacanang Palace bilang 'People's Palace'.



Sa kanyang pahayag, nireklamo ng Pangulo na tunog "imperialistic" ang tunog ng "Malacañang."

Isinalarawan pa ng Pangulo ito bilang isang legacy ng mga mananakop na Espanyol sa mga Pilipino at sa bansa.


Pabiro pa nitong sinabi na ang nagpangalan sa Malacañang ay ang mga Espanyol kaya marapat lamang na tawagin na lamang itong "People's Palace" ng Republika ng Pilipinas.

Aniya, tulad nang ipinagawa niyang parke sa Davao City ay tinawag niya itong Peoples Park kung saan ay ginastusan ito ng taumbayan ng P600 milyon.

(Brigada).


Post a Comment

 
Top