0

Patok ang Pokemon Go game ngayon kaya naman para kay Albay Rep. Joey Salceda, maaari itong samantalahin at pagkakitaan.



Aminadong Pokemon fanatic, sinabi ni Salceda na siya mismo ay nahuhumaling sa bagong laro, katunayan umano ay nasa level 22 na ito. Kahit saan umano magpunta ay may naglalaro ng pokemon kaya naman isusulong nito sa Department of Tourism na maglagay ng mga Pokestop sa iba’t ibang destinasyon na pwedeng pasyalan.


“Yung DOT pwede lagyan ng pokestop. Lahat ng ating mga destination, so pwede for tourism purposes,” pahayag ni Salceda. Kung magaling naman umano sa paglalaro ng pokemon ay pwede itong pagkakitaan sa pamamagitan ng paggawa ng poketours.

(Abante).

Post a Comment

 
Top