0

Naglabas ng safety tips ang Philippine National Police (PNP) para sa mga nahuhumaling sa larong Pokemon Go.



Dahil dito nagbigay ng paalala ang PNP na ingatan ang cellphone habang naglalakad at naghahanap ng pokemon para hindi mabiktima ng mga magnanakaw at snatcher sa kalsada.


Sinabi ng pambansang pulisya na maging alerto rin sa mga iba pang bitbit na gamit tulad ng bag.
Iwasan din aniyang pumunta sa mga lugar na madidilim at hindi ligtas.

Huwag maglaro ng pokemon go kung nagmamaneho o tatawid sa kalsada.

Sa tuwing maghahanap ng pokemon ay dapat maging alerto sa ating kapaligiran.

Payo ng PNP sa mga nahuhumaling sa nasabing laro na mas mainam na maglaro ng pokemon go kung may kasama.

Ang pokemon go ay isang augmented reality mobile game app na hahayaan kang makahuli ng mga pocket monsters o pokemon sa totoong kapaligiran.

(Bomboradyo).

Post a Comment

 
Top