0

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsabayin nalang ang peace talks sa MILF at sa MNLF, upang makatipid ang pamahalaan.




Sinabi ng Pangulo na kanyang aatasan si Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza na kausapin sina MNLF chairman Nur Misuari at ang grupo ni Al Haj Murad ng MILF, para sa posibilidad na gawing magkasabay ang peacetalks.

Ayon sa Pangulo, sakaling hindi maaring magkakaharap ay kahit sa magkaibang function room nalang.

Samantala, tiniyak din ng Pangulo na tuloy ang peacetalks sa CPP – NPA – NDF sa Agosto 20 hanggang 27 sa Oslo, Norway, kasama man o hindi si CPP founding chairman Jose Maria Sison.

(DWIZ).


Post a Comment

 
Top