0

Para kay Sen. Leila De Lima may ibang tao na idinadawit sa kanya kaugnay sa umano’y kanyang drug links para sila ay intrigahin.

Ayon kay De Lima istratehiya ito ng kanyang mga kritiko para palabasin na marami ang magdidiin sa kanya sa sinasabing ‘muntinlupa drug connection.’.



Muli rin iginiit ng senadora na walang saysay ang anumang sinasabing ebidensiya laban sa kanya.


Dagdag pa ng senadora sa pagtestigo umano sa laban sa kanya ng dalawang dating NBI deputy directors na sina Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala lalabas na naghihiganti lang ang mga pinasibak niyang opisyal.

Dagdag pa nito ang paglutang nina Lasala at Esmeralda ay maari din may kaugnay sa pinalulutang na planong muling imbestigahan ang kaso ni janet napoles, ang itinuturo naman utak ng pork barrel scam.

Samantala, para naman kay Justice Sec Vitaliano Aguirre II huwag magpakampante si De Lima ukol sa mga hawak nilang ebidensiya at testigo. 

(Radyo Inquirer).

Post a Comment

 
Top