0

Tiniyak ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya titigilan ang momentum ng laban sa iligal na droga sa bansa.



Sa kanyang mensahe, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya patitinag sa mga kritisismo lalo sa sinasabing extra-judicial killings sa mga sangkot sa iligal na droga.


Sinabi ni pangulo, kaya aasahan sa susunod na mga araw ang mas marami pang judges, police officials at pulitikong sangkot sa iligal na droga ang kanyang papangalanan.

Ayon sa pangulo, kailangan niyang wasakin na ngayon ang drug problem bago ito ang sisira sa buong bansa balang araw.

Posibleng lalabas daw siyang "kontrabida" pero walang ibang paraan para tapusin ang salot na droga sa lipunan kundi maging matigas at matapang sa kanyang paninindigan.

(Bomboradyo).


Post a Comment

 
Top