0

Nagsalita ang sexy singer-dancer na si Mocha Uson hinggil sa pamba-bash na natatanggap niya sa social media, kagaya ng diumano’y pagtatalaga sa kanya ng Bureau of Customs (BOC) na maging social media consultant noong nakaraang linggo.

Nauna nang nilinaw ng nasabing ahensiya at ni Mocha mismo na walang katotohanan ang nasabing isyu.
Hiningi lamang daw ng BOC ang tulong ng sexy dancer at blogger sa paglilinis ng nasabing ahensiya ng gobyerno.

Iginiit din ng lider ng Mocha Girls na wala siyang interes na makakuha o mabigyan ng posisyon sa gobyerno.



Pahayag ni Mocha, “I just want to clarify na wala akong balak pasukin ang pulitika. Wala po akong balak tumakbo kahit i-appoint [ako].”

“Tinanong kasi ako kung anong gagawin ko pag in-appoint ako ni Pangulong Duterte.”
“Hindi ko pa rin po tatanggapin dahil hindi naman po natin linya ‘yan, because I believe you don’t need to have a position or a title to help the government or to help the country.”

Sa kasalukuyan, may ilang celebrity supporters si Pangulong Duterte na naitalaga sa ilang government positions.

Nagbigay rin ng reaksyon si Mocha sa mga namba-bash sa kanya, lalo na nang nabalitang mabibigyan siya ng posisyon sa Bureau of Customs.


Buwelta niya, “Ano bang ipinuputok ng butse nila, wala ngang appointment?”
“Why are they castigating me? Is it because of my past?
“Yes, I used to be a sex blogger. Du’n naman nagsimula ang blog ko.”
'Sex education, columnist for sexy men’s magazine. People are castigating me for that.’
“I’ve done things in the past that I’m not proud of and I'm paying my dues.’
“Napagsisihan ko na po ‘yun. And now I’m trying to change.”

Hindi rin pinalampas ni Mocha ang pagkakataon upang magsalita tungkol sa ibinabatong isyu sa kanya na naghahangad siyang maging journalist.

Ito ay matapos siyang magkaroon ng one-on-one interview kay Pres. Duterte, na noon ay nagsalita tungkol sa kanyang mga hinaing sa ibang journalists na diu-mano’y tiwali rin.



Paglilinaw ni Mocha, hindi siya nagpapaka-journalist sa nasabing video blog.

“Habang nagkukuwentuhan, siya yung patuloy na nagkukuwento, ‘yung sama ng loob niya sa media.”
“I leave it to the experts. I don’t have any plans of entering journalism. I don’t want to be a journalist.”
“Ginagawa ko lang po, nagiging parang tulay ng ordinaryong mamamayang Pilipino at ating mga opisyal po.”
“Ayokong isipin nila na nagmamarunong ako.”
“I am an entertainer and I am a performer. ‘Yun po ang aking expertise. ‘Yun po ang aking passion.”
“May iba rin po akong advocacy. I support President Duterte. I support him in pushing good governance, stop corruption and deman-ding better services [for the people].”

(Even Demata).

Post a Comment

 
Top