0



Anim ang kumpirmadong patay habang tinatayang nasa 12 ang nasugatan sa pinakabagong bakbakan sa pagitan ng militar at rebeldeng New People’s Army sa Compostela Valley.

Ayon kay Capt. Rhyan Batchar, public affairs officer ng 10th infantry division ng Philippine Army, nuong huwebes pa nagsimulang magbakbakan ang dalawang puwersa sa mga mining town ng Monkayo at Maragusan.

Sinasabing tinambangan ng mga rebelde ang 25th infantry battalion ng militar sa kilometer 56 sa barangay Rizal sa bayan ng Monkayo kung saan nasawi ang apat sa mga sundalo habang dalawa sa panig ng mga rebelde.

Nuong Biyernes, tinambangan din ng mga rebelde ang tropang militar sa naturang lugar gamit ang improvised explosive device.

(DWIZ).

Post a Comment

 
Top