0

Nagbabala si PNP Chief dir/Gen. Ronald bato Dela Rosa laban sa mga kawani ng PNP Retirement benefits service na tinagurian niyang pulis matulis.

Ito’y ayon sa PNP Chief ay bunsod ng mga reklamo sa mabagal na pagpapalabas ng benepisyo para sa mga retiradong pulis kasama na ang kompensasyon para sa pamilya ng mga nasawing alagad ng batas.

Nakatatanggap din ng reklamo ang Pangulong Rodrigo Duterte na pinahihirapan umano ng mga taga PNP RBS ang ilang biyuda ng mga kabaro kapalit ang pakikipagtalik.

Dahilan para pumayag na ang ilang biyuda ng mga pulis, makuha lamang ang benepisyo ng kanilang yumaong asawa.

(DWIZ)

Post a Comment

 
Top