0

Nakubkob na ng militar ang halos lahat ng kuta at pinamumugaran ng Abu Sayyaf sa Basilan.

Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, bunga ito ng magandang ugyanan ng militar at ang lokal na pamahalaan ng basilan.



Kalimitan anyang dahilan kung bakit nahihirapan ang militar na pasukin at tukuyin ang kuta ng abu sayyaf ay dahil sa kawalan ng kooperasyon ng mga mamamayan na nakikinabang sa robinhood mentality ng abu sayyaf.

Sa kabila nito, sinabi ni Padilla na 22 pa rin ang bihag ng Abu Sayyaf na kinabibilangan ng 14 na dayuhan at 8 Pinoy, 2 Indonesian hostages.


Samantala, nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatakas at hindi nagbayad ng ransom ang 2 Indonesian nationals na nakawala sa Abu Sayyaf.

Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, mismong sina Mohammad Safyan at Ismail ang nagsalaysay kung paano sila nakatakas mula sa Abu Sayyaf.

Sina Safyan at Ismail ay kasama sa 7 Indonesians na sakay ng tug boat na dinukot ng Abu Sayyaf sa karagatan.

Tiniyak ni Padilla na kumikilos na rin ang gobyerno upang mas maging maayos ang pagbibigay ng seguridad sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.

(DWIZ).

Post a Comment

 
Top