0

Personal na inikot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang lugar sa Metro Manila na naapektuhan ng Habagat nitong nakalipas na mga araw.



Sakay ng presidential chopper, nagsagawa ng aerial inspection ang pangulo sa Marikina, Pasig River at maging ang La Mesa Dam na una nang naiulat na umapaw ang tubig.


Kabilang sa mga kasama ng pangulo sa pag-iikot sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Metro Manila Development Authority Chairman Emerson Carlos.

Bago ang inspeksiyon, pinulong muna ng Pangulo ang mga opisyales ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang 11:00 ng umaga sa Malacanang Golf Clubhouse.

Iniutos rin ng pangulo na tiyaking mabibigyan ng mabilis na tulong ang mga naapektuhan ng ulan at matinding baha.

(Radyo Inquirer).


Post a Comment

 
Top