0

Mariing itinanggi ni PNP chief director General Ronald Dela Rosa na galing sa kanila ang impormasyong hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa isang Senador na pinatutsadahan nito.



Ayon kay Dela Rosa, marami namang pinagkukunan na intelligence report si Duterte at hindi lang sa pambansang pulisya.


Ayaw na aniya niyang makialam pa sa mga batikos ng Pangulong Duterte sa isang Senadora.

Nangangamba kasi si Dela Rosa na baka ma-personal sila sa Senado kapag humarap sila sa imbestigasyon sa susunod na linggo.

Sa kabila nito, tiniyak ng PNP chief na hindi makakaapekto sa kanilang pagsagot sa mga Senador ang naturang kontrobersya.

(DWIZ).

Post a Comment

 
Top