0

Kinilala ni Senate committee on justice and human rights chairperson Sen. Leila de Lima ang epektibong aksyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa pagpasok ng mga kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP).



Ayon kay De Lima, batid niya ang pagsisikap ng pulisya kaya nais niyang i-commend si PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa.


Matatandaang nag-take over ang PNP-SAF sa Bilibid matapos matuklasang ilan sa mga prison guards ay nagiging kasabwat na ng mga bilanggo para makapagpuslit ng kontrabando at ipagpatuloy ang mga drug transactions kahit nakapiit.

Nagpasaring naman si Dela Rosa na naging talamak ang illegal transactions sa Bilibid sa panahon ng nakaraang administrasyon.

(Bomboradyo).


Post a Comment

 
Top