0

Pumasada na kamakailan lang ang kauna-unahang taxi sa mundo na hindi na kailangan ng drayber para umandar.

Ang unang pagpasada ng ‘driverless taxi’ ay bahagi ng pagtesting ng kompanyang nuTonomy sa kanilang mga sasakyang umaandar sa pamamagitan ng computer at ng mga nakakabit na camera.



Ang nasabing kompanya ay itinayo ng dalawang researchers mula sa Massachusetts Institute of Technology na dalubhasa sa robotics at sa pag-develop ng mga sasakyang hindi kailangan ng driver.

Hindi nangangailangan ng tsuper ng mga taxi ng nuTo-nomy dahil may mga laser na nakakabit sa mga ito na sumasagap sa mga bagay na kailangang iwasan ng sasakyan upang hindi ito mabangga.


Pinili ng kompanya na ilunsad ang kanilang makabagong taxi sa Singapore dahil maraming Singaporeans ang tumatangkilik sa mga taxi dahil sa mahal ng mga sasakyan doon.

Napili rin nila ang nasabing bansa dahil sa pagiging di-siplinado ng mga motorista at sa pagiging organisado ng trapik doon.

Sa isang ma­­liit na bahagi lang ng Singapore pumasada ang mga taxi ng nuTonomy at sa 2018 pa nila balak ilun­sad sa buong Singapore ang kanilang ser-bisyo.

(Philstar).


Post a Comment

 
Top