0

Binalaan ni PNP Chief Director General Ronald “Bato" dela Rosa ang mga protektor at gambling lord na sunod nitong bubuwagin ang illegal na sugal.



Ito ang isa sa mga binitiwang salita ni PNP chief dela Rosa matapos na maging panauhing pandangal sa ika 115 na anibersaryo ng Police Regional Office o PRO-12 sa Barangay Tambler nitong lungsod.


Ayon sa PNP chief na mas mabuting huminto na ang mga protektor at gambling lord sa kanilang ginagawa habang hindi pa inumpisahan ang lubusang kampanya laban sa illegal na sugal.

Kinumpirma din ni dela Rosa na sila ay may listahan sa mga nadawit sa illegal na sugal at kanila muna itong tinatago dahil prayoridad pa ngayon ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot. 

(Brigada).


Post a Comment

 
Top