0



Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang mga Marcos kung kailan nila gustong ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni Pangulong Duterte, kahit pa September 18 o 21, bahala na ang mga Marcos dahil may go signal na siya.

Ayon kay Pangulong Duterte, pumayag siyang ilibing si dating Pangulong Marcos dahil dati itong sundalo at presidente ng bansa na nakasaad sa batas.

Malaya naman daw ang mga tutol na mag-rally at katunayan bibigyan niya sila ng isang buwan para maglabas ng saloobin sa lansangan, huwag lang makaabala sa trapiko.

"Yes, birth anniversary. If the family, if si ma'am ... you know, if Bongbong feels that it would be a fitting day to celebrate his birthday in the Libingan ng mga Bayani, so be it. It is their right, because nag-go signal na ako," ani Pangulong Duterte. 

(Bomboradyo).

Post a Comment

 
Top