0

Pinaalalahanan ngayon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa ang lahat ng kapulisan na itigil na ang pagtanggap ng bribe money mula sa illegal gambling lords o operators sa bansa.



Ginawa ng PNP chief ang pahayag matapos ibunyag na mismong siya ay tinangkang suhulan ng milyon-milyong halaga ng pera ng ilang Luzon-based illegal gambling lords.

Sinabi sa Bombo Radyo ni de la Rosa na agad niyang ipinagbigay alam kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pangyayari kung saan hinamon naman siya nito.


Inihayag aniya ni Duterte na iwasan na tumanggap ng protection money dahil kapag ito ay nangyari, parang nakatali na ang kanilang mga kamay at hindi na makagalaw upang labanan ang illegal gambling operation sa bansa.

Ito ang dahilan na kanyang binantaan ang lahat ng mga pulis na huwag magkamaling madala sa tukso upang hindi malagay sa alanganin ang kanilang propesyon.

(Bomboradyo).


Post a Comment

 
Top