0

Nakabalik na sa bansa ang 128 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.



Pasado alas 10 ng umaga lumapag ang flight PR683 sa Ninoy Aquino International Airport lulan ang mga OFW.


Kaugnay nito ay mismong si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang unang sumalubong sa mga ito.

Sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga OFW, hiniling nito na bigyan siya ng oras upang mapaganda ang ekonomiya ng bansa ng sa ganun ay magkaroon na sila ng magandang oportunidad sa bansa.

Ipinangako rin nito na matatanggal na ang korapsyon sa Pilipinas.

(Brigada).


Post a Comment

 
Top