0

Matapos marinig ang report na isa na namang Abu Sayyaf hostage ang pinugutan, muling inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kautusan sa tropa ng pamahalaan na tuluyan nang lipulin ang teroristang grupo.

“My orders to the police and armed forces against enemies of the state: seek them out in their lairs and destroy them... The Abu Sayyaf, destroy them, period,” ayon sa pangulo sa isinagawang madaling araw na press conference kanina sa Victoria Plaza, JP Laurel Avenue, Davao City.



Makikitang galit na galit ang pangulo at deniklang nawawalan na siya ng tiwala sa Abu Sayyaf kahit na kinikilala niya ang sarili sa kanila sa pamamagitan ng ethnic relations.

"Napaka ano naman nila, diyan ako nawalan ng bilib sa inyo. I have this little connection by blood with you but you know, nawalan talaga ako ng bilib sa inyo," ayon kay Duterte.

Pinaliwanag pa niya na kahit ang karamihan sa mga Abu Sayyaf members ay nagmula sa Tausug na tribu, siya rin ay may dugo na nagmula sa isa pang Mindanao-based ethnic group sa pamamagitan ng Maranao niyang ina.


"Although I'm not a Tausug, more on the Maranao side, but I no longer believe in you," pahayag pa ng pangulo sa wikang Filipino.

Inamin ni Duterte na may ibinayad na ransom para sa Norwegian hostage Kjartan Sekkingstad.

Subalit hindi na nito idenitalye ang currency ng ransom at kung sino ang nagbayad nito.

"Binayaran na 'yan sila, 50,000, they were adding," ayon pa sa kanya.

Nang tanungin sa kanyang pamamaraan sa paglipol ng Abu Sayyaf, ayon kay Duterte, kakaiba ito sa nakaraang mga administrasyon.

Sinabi pa ni Duterte, "magiging mas mabagsik siya."

Muli niyang iniatas sa tropa ng pamahalaan na tuluyan nang wasakin ang bandidong grupo.

(Bomboradyo).


Post a Comment

 
Top