0

Patay ang dalawang suspects na umano ay galamay ng namayapang aktor na si Ace Vergel.


Ito ay matapos na manlaban ang mga ito sa isinagawang raid sa San Pedro, Laguna, Huwebes ng umaga.

Ayon kay PNP-Anti Ilegal Drugs Group Director Albert Ferro, isisilbi sana ang search warrant sa bahay ni Alvin Vegel Comenciante at isang hindi pa nakilalang suspect sa bahay ng mga ito sa Block 1A, Lot 10, Jasmine St, Cor Adelina Avenue, Adelina Subdivision, San Pedro, Laguna pero nanlaban ang mga suspek.

Nakuha sa bahay ang iba’t ibang klase ng baril at hindi pa matukoy na dami ng illegal drugs.

Si Comensiante ang umanoy source ng droga ng mga artista.

(Radyo Inquirer).

Post a Comment

 
Top