0

Isinumite na sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga pangalan ng ilang mga pulitiko at pulis na tumatanggap ng payola mula sa suspected drug lord na sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Jr. at ng kanyang anak na si Kerwin.



Ipinaliwanag ni C/Insp. Jovi Espinido, hepe ng pulisya sa bayan ng Albuera na nakuha nila ang pangalan ng mga pulitiko at PNP personnel sa bahay ng mga Espinosa na kanilang sinalakay noong isang linggo.


Kabilang sa mga ebidensiyang nakuha ay ang ilang piraso ng tseke at rehistro ng mga sasakyan.

Ilang mga pulitiko rin at mga pulis ang sinasabing tumanggap ng ilang mga mamahaling kotse mula sa mga Espinosa.

Sa isinagawang raid ng PNP ay nakarekober sila ng 11 kilogram ng Shabu na may street value na P88 Million.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko si Kerwin sa kabila ng ibinigay niyang surrender feeler sa PNP.

(Radyo Inquirer).


Post a Comment

 
Top