0

Kaysa sa maglabas na ng reaksyon o batikusin ang trabaho ng kasalukuyang administrasyon, pagbibigyan muna ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Presidente Rodrigo Duterte.



Sa pagdalo sa pagtitipon para sa 33rd death anniversary sa Manila Memorial Park sa Paranaque City, tumanggi si Aquino na magbigay ng assessment sa pamumuno ni Duterte.

Sa halip, ipinaalala nito sa mga reporter na may pangako siya na pagbibigyan si Presidente Duterte ng isang taon.


Ibig sabihin ay hindi siya maglalabas ng unsolicited advise o kung anumang pahayag lalo’t batid at naiintindihan niya ang hirap ng trabaho ngayon ni Duterte bilang Punong Ehekutibo.

Dagdag ni Aquino, sa loob ng isang taon ay may pagkakataon na si Duterte na masanay sa tungkulin bilang Pangulo.

Mula nang matapos ang termino bilang Presidente, nanahimik na rin si Aquino at ini-enjoy ang pagiging ‘citizen Noynoy'.

(Radyo Inquirer).

Post a Comment

 
Top