0




Sa bisa ng search warrant ay pinasok ng mga otoridad ang ancestral house ni Albuera, Leyte Mayor Espinosa.

Pasado alas-5 ng umaga ng magpunta sa Sitio Tinago Dos, Barangay Benolho, Albuera, Leyte ang mga otoridad. Kasama rito ang mga opisyal ng Barangay Benolho, mga kinatawan ng DOJ, POD, at sina Police Chief Inspector Jovie Espenido at iba pang mga kasamahan nito.

Pagdating sa mismong bahay ni Mayor ay agad na binasa ang search warrant sa harap ng mga taga barangay. Matapos nito ay pinasok na ang bahay, agad na pinuntahan ang kusinang bahagi ng bahay at pagbukas pa alamng sa kitchen cabinet ay bumungad na ang mga plastic at sa likod nito ay makikita ang kulay itim na pakete. Nang buksan ng search team ang mga pakete ay doon na lumantad ang pinaghihinalaang mga shabu. Umabot daw sa 11 kilos ang pinaghihinalaang shabu na may street value umano na P88M.

Bukod dito, nakakuha rin ang mga otoridad ng ilang mga sangkap umano sa paggawa ng bomba tulad ng Amonium Nitrate, blasting cap, firing wire, at black powder.

Post a Comment

 
Top