0

Inaasahan na ­ngayon ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawa sa limang heneral na pina­ngalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga.

Ito ang inihayag kahapon ni Interior Secretary Mike Sueno sa isang press briefing sa Malacañang.

Sinabi ni Sueno, ang dalawang heneral na por­mal nang kakasuhan nga­yon ay sina Chief Supt. Joel Pagdilao at Chief Supt. Edgardo Tinio.



“For the two, maybe I can already mention, Pagdilao and Tinio… We are ready with the prima facie case against them, which I will sign when I get back to my office,” pahayag ni Sueno.

Si Pagdilao ay ­dating director ng Natio­nal Ca­pital Region Police ­Office (NCRPO) habang si Tinio ay dati naman pinuno ng Quezon City Police District (QCPD).

Sinabi ni Sueno, sa ngayon ay ­isinasapinal na rin nila ang pagsasampa ng kaso laban kay Chief Supt. Bernardo Diaz, ang ikatlong hene­ral na tinukoy ni Duterte.


Kaugnay sa mga Narco-­local executives, sinabi ni Sueno na kasalukuyan pa nilang bina-validate ang listahan ng mga lokal na opisyal na hinihinalang sangkot sa illegal drugs.

Sinabi ni Sueno sa media briefing kahapon sa Malacañang na mayroon silang sariling tala ng mga local executives na pinaghihinalaang sabit sa kalakaran ng bawal na gamot.

Hindi pa umano kasama ang mga ito sa mga inanunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte.

”We have our own… what’s this… our own record. So, maybe… I know the President has many sources. So we have our own source — records also. Well, we cannot reveal. But I am sure that there are more local exe­cutives who are involved in drugs,” sabi ni Sueno.

Kung isasama aniya sa bilang ang mga kapitan ng barangay sa bansa ay malamang na umabot sa daan-daan ang bilang ng mga lokal na ­opisyales na sangkot sa illegal drug operations.

(Abante).

Post a Comment

 
Top