0

Pasok na rin ngayon sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang 128 overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa al Khobar Saudi Arabia.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay para makaagapay ang mga OFW sa pang araw-araw na pamumuhay.



Sa ilalim ng 4Ps, makatatanggap ng pinansyal na ayuda ang pamilyang benepisyaryo depende na rin sa bilang ng anak na nag aaral mula elementary hanggang high school.


Bukod sa 4Ps, binigyan din ng pangulo ang mga OFW na nawalan ng trabaho ng tig-P5,000, at inako na rin ng niya ang pagpapaaral sa kanilang mga anak.

Sinalubong ni Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kahapon ang mga OFWs na na-repatriate mula Saudi Arabia matapos silang mawalan ng mga trabaho.

Sa pagsalubong niya sa mga balikbayan, sinabi niya agad sa mga ito na “Welcome to your country at tulungan ninyo ako.”

(Radyo Inquirer).


Post a Comment

 
Top