0

Nomina­ted for eviction sa PBB Lucky Season 7 si Yassi Pressman kaya nagulat ang audience ng grand finals night ng PhilPop 2016 sa kanyang pagsipot. Si Yassi ang interpre­ter ng Dumadagundong na composition nina Mike Villegas at Brian Cua.

May mga haka-haka na papalitan si Yassi  bilang interpreter ng Dumadagundong dahil sa pagsali niya sa PBB kaya imposible na makadalo siya.

Mali ang tsismis dahil dumalo si Yassi sa PhilPop 2016 at engrande ang pagpasok niya sa Kia Theater.

Bumaba siya mula sa van na nakaparada sa harap ng teatro at imbes na dumiretso sa backstage, naglakad si Yassi papunta sa stage para kantahin ang Dumadagundong.

Bago ang pagdalo niya sa PhilPop 2016, nakita si Yassi sa grand opening noong Biyernes ng Botejyu, ang Japanese restaurant sa Mall of Asia na bagong business ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies.

May narinig kami na balita na pagkatapos ng kanyang PhilPop 2016 stint, babalik si Yassi sa PBB house sa Vietnam pero hindi pa ito kumpirmado at malalaman natin ang mga mangyayari sa mga susunod na episode ng reality show ng ABS-CBN.

Lumikha ng ingay at kontro­bersya ang pagpapakita ni Yassi sa PhilPop 2016 dahil marami ang umalma sa paglabas niya mula sa PBB house.

Incidentally, ang Di Na Muli na ina­wit ng Itchyworms ang grand winner sa PhilPop 2016. Walang nagprotesta sa desisyon ng mga hurado dahil outstanding talaga ang composition nina Jazz Nicolas at Wally Acolola.

First runner up at Maynilad’s People’s Choice ang Lahat ni Soc Villanueva at kinanta ni Daryl Ong.

Second runner up ang Tinatangi na composition ng magkapatid na Miguel at Paolo Guico.

Sina Bayang Barrios at Cookie Chua ang mga interpreter ng Tinatangi na  pinarangalan bilang PLDT-Smart Best Music Video.

(Abante)

Post a Comment

 
Top