0

Tiniyak sa publiko ni Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa mas mas marami pang high-value drug suspects ang masasawata matapos ang mapatay ang big-time Chinese Drug lord na si Mico Tan sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.
Ayon kay Dela Rosa, patunay itong hindi pawang maliliit lang o street level drug pushers ang napapatay sa mga operasyon.

Payo ni Dela Rosa sa publiko, maghinta-hintay lamang at tiyak na marami pang susunod na high-value target.
Ayon kay Dela Rosa, si Tan na napatay sa operasyon ng PNP-AIDG ay maituturing na big drug personality at walong taon nang nag-ooperate sa bansa.
Responsible aniya si Tan sa drug shabu laboratory sa Quezon City.
Sasailalim sa pagsusuri ang samples ng mga kemikal na nakuha sa warehouse na pinaniniwalaang pinatatakbo ni Tan.


Post a Comment

 
Top