0


WORKING birthday ang kaarawan ni Solenn Heus­saff nu’ng Miyerkules, July 20.

Nasa taping si Solenn ng Encantadia, na walang signal kaya hirap siyang mag-post sa social media at hindi niya masagot ang napakaraming birthday greetings.

May pa-cake sa kanya sa set ng Encantadia kung saan siya gumaganap bilang makapangya­rihang diwata na si Cassiopeia.

Kahapon ay nasa taping naman ng A1 Ko Sa ‘Yo ang masipag na Kapuso siren. Nakita namin sa Snapchat ni Sos na me­ron siyang pa-lechon at pa-lafang sa set.

***

Itinanggi ni Solenn ‘yung balitang engaged na ang brother niyang si Erwan Heussaff at si Anne Curtis.

Ang sabi-sabi kasi ay nag-propose na si Erwan kay Anne habang nasa Europe ang dalawa para um-attend sa wedding nina Solenn at Nico sa France.

Dayalog sa amin ni Sos, walang naganap na gano’n. Sweet lang sina Anne & Erwan and they always travel together.

Pero mukhang papunta na rin sa kasal ang da­lawa, ‘di ba?

“Well, they love each other. Pero it happens in everyone’s own time. So, walang pressure. Hindi porke’t kasal na lahat ng barkada, kailangan na rin kayong magpakasal.

“So, ‘yon. Tingnan natin when the time comes. Pero for sure, hindi ko malalaman. Magugulat din ako like everyone else kasi, secretive si Erwan.”

Tinanong namin si Solenn kung anong feeling ni Anne na sa kanilang magbabarkada ay ito lang ‘yung hindi this year ang kasal (after Georgina Wilson and Solenn, si Isabelle Daza ang sunod na ikakasal sa September 10 sa Tuscany, Italy).

“Wala, happy. Kuntento siya sa buhay at kay Erwan. Actually, mas maganda kung hindi sabay, ‘di ba? Para special ‘yung moment,” pakli ni Sos.

Nabanggit namin kay Solenn ang tungkol sa ‘sukob’ at ang sabi niya ay walang ganu’n sa French.

Pero okey lang daw dahil hindi pa naman this year magaganap ang wedding nina Anne at Erwan.

Post a Comment

 
Top