0


Gaganda ang buhay ng mga pulis at mga pampublikong guro sa bansa kapag naipasa ang panu­kalang batas na magta­taas sa kanilang sahod na bibigyan umano ng prayoridad ng Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, kanilang susuportahan ang plano ni President Rodrigo Duterte na itaas sa P50,000 ang buwanang sahod ng mga pulis na kanyang ipinangako noong panahon ng kampanya.

“Yes, we are inclined to support that. That was promised by President Duterte. Yes, we are inclined to support that,” pahayag ni Drilon suba­lit kailangang maipakita muna, aniya, kung saan kukunin ang pondo.

Kapag naipasa ang panukalang ito, ang magi­ging sahod ng mga Police Office 1 (PO1) ay P50,000 na halos triple­ sa tinatanggap nila sa kasalukuyan na mahigit P18,000 lamang.

Tiyak din na magbu­bunyi ang mga public school teachers sa bans­a kapag nagtagumpay si Sen. Loren Legarda na maisulong ang kanyang panukala na itaas ang sahod ng mga ito taun-taon.

“Our teachers, who continue to endure the dismal conditions of shortages in school facilities, meager benefits, hardships and sacrifices for the well being of the youth, deserve worthy compensation, and not just verbal accolades, for their noble profession,” ani Legarda.


Post a Comment

 
Top