0


Ginanap kamakailan sa isang maliit na bayan sa Lithuania ang isang kakaibang beauty pageant. Sa halip kasi na mga nagagandahang mga babae ay pulos mga kambing ang mga rumampa at nagpagandahan sa nasabing patimpalak.

Idinaraos taun-taon ang beauty pageant ng mga kambing sa bayan ng Ramygala kaya bahagi na ito ng kanilang tradisyon.
Ngayong 2016 ay kinoronahan ang kambing na si Demyte na alaga ng 74-anyos na si Ferdinandas Petkevicius, isang retiradong beterinaryo.

Anim na taon nang isinasali ni Petkevicius sa beauty pageant ang mga alaga niyang kambing ngunit ngayong taon lang siya pinalad na manalo. Akala pa nga niya ay matatalo sila dahil hindi na niya nagawang ipa-pedicure ang mga kuko ni Demyte.
Nakatanggap si Petkevicius at ang iba pang mga nagwa-ging amo ng cake, mga garapon ng honey, at coupon para sa libreng gupit sa barberya bilang premyo sa pagkapanalo ng kanilang mga alaga.

Post a Comment

 
Top