0

Simula kaninang hating gabi ay maari nang tawagan ng publiko ang emergency number 911 at hotline 8888 para sa mga reklamo at serbisyo ng gobyerno.

Ang nasabing mga numero ay maaring tawagan gamit ang landline o cellphone.

Sa ngayon ay may P5 bayad ang bawat tawag sa nasabing mga numero pero ayon kay DILG Public Safety Usec VJ Hinlo , sisikapin nilang gawing libre ito sa mga susunod na araw.

Ang 911 at 8888 hotline ay bubuksan para sa lahat kaya naman nanawagan ang DILG sa publiko na huwag gawing laruan at seryosohin ang nasabing numero.

(Brigada)

Post a Comment

 
Top